Basehan ng katapatan ni PBBM, nakaangkla sa batas at interes ng bansa — Malacañang

COURTESY: Presidential Communications Office

Iginiit ng Malacañang na ang katapatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakasalig sa batas at interes ng bansa.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng tila pagtawag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay PBBM na traydor.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bukod sa batas, mas tapat umano ang pangulo sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) dahil sa madugong war on drugs ng nagdaang administrasyon.


Dahil dito, nanindigan ang Palasyo na kaparehong kooperasyon sa Interpol pa rin ang ipatutupad ng Pilipinas kung may ipaarestong indibidwal.

Hindi aniya nila bibigyan ng special treatment ang sinuman dahil lamang kakilala o dikit ito kay Pangulong Marcos.

Facebook Comments