Nakalaya na ang tinaguriang “French spiderman” na si Alain Robert matapos magpiyansa ng ₱3,000 sa kasong alarm and scandal.
Ayon kay Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel Medina, itinakda ang pagbasa ng sakdal kay Robert sa February 12 sa Metropolitan Trial Court Branch 62.
Kung maalala, inaresto ang 56 anyos na dayuhan matapos nitong akyatin ang 47 palapag na gusali sa Makati ng walang permiso.
Nakilala si Alain dahil sa pag-akyat nito sa mga gusali sa buong mundo nang walang safety equipment.
Facebook Comments