Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang frequency ng ABS-CBN sa Pilipinong gagawa ng mabuti at magbabayad.
Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), inakusahan muli ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na hindi nagbabayad ng bilyu-bilyong pisong halaga ng buwis.
“I will give it to a Filipino na gustong magawa ng tamang ano and pay, because sa ABS-CBN, even their equipment were imported tax-free kaya talaga ako hindi magpapayag,” sabi ng pangulo.
Una nang sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang taon na regular na nagbabayad ng tax obligations ang media network, at iginiit wala silang utang.
Mayo 2020, nang mawala sa ere ang ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito nang hindi i-renew ng Kongreso.
Facebook Comments