FRIENDS NA LANG | Donita Rose, naka-move on na daw sa hiwalayan nila ng kanyang ex-husband

Manila, Philippines – Naka-move on na daw ang TV host-actress na si Donita Rose sa hiwalayan nila ng kanyang ex-husband na si Eric Villarama.

Matatandaan na naghiwalay sila noong 2016 pagkatapos ng halos 12 taong pagsasama.

Say ni Donita, mahirap daw magsimula muling magmahal pero excited naman daw ang kaniyang nararamdaman kung anong mangyayari sa hinaharap.


Hindi na din siya nag-request pa ng financial support sa dating asawa dahil ayaw niyang magkaroon pa ng sama ng loob sila sa isa’t-isa.

Ngayon daw ay magkaibigan na sila ng kanyang ex-husband at wala nang natitirang galit sa kanyang puso para rito.

Facebook Comments