PRESYO NG BILIHIN | Nararanasang masamang panahon, nakaapekto sa presyo ng agricultural products

Manila, Philippines – Nakaapekto ang masamang panahon sa presyo ng agricultural products.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny PiƱol, kung may tamang imported supply sana ay maaring bumaba ang presyo ng ilang produkto ng tulad ng karne at poultry.

Bagaman hindi agad maibabalik ang normal na presyo, mahigpit na binabantayan ng DA ang mga pamilihan.


May multang 1,000 hanggang isang milyong piso ang mga lalabag sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).

Nakahanda na rin ang DA na tanggalan ng permit ang mga mapagsamantalang negosyante.

Facebook Comments