Manila, Philippines – Inaakusahan ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na hinasa muna ng Malacanang ang mga opisyal ng Philippine Navy bago humarap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa Frigate Acquisition Program.
Ayon kay Alejano, makailang beses siyang nakatanggap ng impormasyon na ipinatawag ng Malacanang ang mga Navy officials para turuan kung ano ang sasabihin sa harap ng mga senador.
Paalala ni Alejano sa ehekutibo, bigyang laya ang mga Navy officials na magsalita sa lahat ng kanilang nalalaman kaugnay ng frigate acquisition program.
Babala ni Alejano na huwag hayaan na sa publiko pa maglabas ng sama ng loob ang mga Navy officials.
Binigyang diin ni Alejano na ibang klase protesta ang kayang gawin ng mga miyembro ng navy bagamat kanyang nililinaw na hindi niya ito inirerekumenda.