FRIGATE DEAL | Secretary Bong Go, sinabing biktima siya ng fake news

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na biktima siya ng “Fake News” matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa Frigate Deal ng Philippine Navy.

Sa statement ni Go sa kanyang pagdalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kontrobersiya ay sinabi nito na mahirap sagutin ang mga bintang na walang katotohanan.

Sinabi ni Go sa kanyang statement ay hindi kailanman siya nakialam sa kontrata ng frigate ng Philippine Navy at ang pagbili ng Computer Management System nito.


Dahil aniya ito ay wala siyang dahilan para magtago at huwag humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Bahagya pang pinasaringan ni Go si Senador Antonito Trillanes IV kung saan sinabi nito na sanay panindigan nito ang kanyang unang pahayag kung saan sinabi ng Senador na walang kinalaman si Go sa Frigate deal.
Binigyang diin din ni Go sa kanyang pahayag na walang nabago, walang binago, walang nakialam at wala siyang pinakialaman sa kontrata ng Philippine Navy.

Facebook Comments