Aljur Abrenica, approved na kay Robin Padilla

Noong February 17, nagtagpo si Robin Padilla at Aljur Abrenica sa isang family dinner.
Sa isang post ni Aljur sa Instagram, makikita ang magulang at mga kapatid niya kasama si Kylie, Robin at maging ang asawa nitong si Mariel Padilla. Kasama rin dito ang nanay ng action star na si Eva Carino.
“Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at siyempre sa ngiting ngayon ko palang nakita mula sa mahal ko.. Salamat po sa mainit na pagtanggap..”, sabi ni Aljur sa kanyang post.
Ikinatuwa ng mga celebrity na malapit sa kanila ang balitang ito.

Facebook Comments