Frontliner na COVID-19 Positive, Pumanaw

26

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na isang frontliner nanaman ng probinsya na positibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, provincial information officer ng Isabela, kangyang sinabi na pumanaw kagabi ang 59 taong gulang na Supervising Administrative Officer ng Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital na naka-admit sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.


Ayon pa kay Atty. Binag, napaka-aktibo ng nasawing frontliner sa pagganap at paglaban sa COVID-19 pandemic kaya’t marami aniya ang nalungkot at nagdadalamhati sa pagpanaw nito.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 143 na naitalang COVID-19 related deaths ang Isabela.

Muling ipinaalala ni Atty. Binag na sundin ang mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong patuloy ang pagdami at pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsya.

Facebook Comments