Mga tanggapan ng BI sa mga lugar na nasa ECQ, nananatiling bukas

Mananatiling bukas ang mga tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga lugar na kasama sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kabilang dito ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Gayunman, nag-abiso ang BI na mas pinaiksi nila ang oras ng kanilang operasyon mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Paiiralin din nila ang skeletal system sa kanilang work force.

Pinapayuhan naman ng BI employees ang kanilang mga kliyente na nasa 60 pataas ang edad pati ang mga buntis o may comorbidities na manatili na lamang muna sa bahay.

Facebook Comments