Frontliners at ambulansya, handang i-deploy ng mga private hospital sa mga polling precint sa Mayo 9

Nakahanda ang mga pribadong ospital na magpadala ng mga ambulansya at mga medical personnel sa mga lugar kung saan idaraos ang botohan sa Lunes.

Ito ang tiniyak ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) sakaling kailanganin ang kanilang tulong sa mismong araw ng halalan.

Pero sabi ni PHAPi President Dr. Jose Rene de Grano, nakadepende pa rin ito kung hihingi ng tulong ang mga Local Government Unit dahil kadalasan ay mayroon na silang mga nakahandang medical team sa labas ng mga polling precints.


Una nang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi sila magtataboy ng mga botante na positibo sa COVID-19 at sa halip ay papayagan silang makaboto sa mga isolation polling precints.

Facebook Comments