Mga e-sabong betting station, ipasasara na ng DILG ngayong araw

138

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipapasara na ngayong Miyerkules ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kasama na rito ang live show at mga betting station ng e-sabong.

Ayon kay Malaya, natagalan ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil isa ang e-sabong sa napagkukunan ng kita ng gobyerno.


Samantala, sinabi naman ni Charlie “Atong” Ang, may-ari ng Lucky 8 Star Quest Inc. na nag-o-operate ng e-sabong firm na Pitmasters Live na itinigil na nila agad kahapon ang kanilang operasyon bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments