Cauayan City — Sa kabila ng dagsa ng mga mamimili noong Disyembre 31, nanatiling matumal ang bentahan ng mga prutas sa lungsod, ayon sa mga tindera.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Tess, isang fruit vendor, mas malaki ang kanilang kita noong nakaraang taon kumpara ngayon. Kabilang sa mga pinaka-mabentang bilog na prutas ang orange, grapes, at apple, na tradisyunal na binibili bilang pampaswerte tuwing Bagong Taon.
Bagama’t walang pagtaas sa presyo ng mga prutas, napansin nilang mas kaunti ang bumibili ngayong taon.
Ayon kay Ginang Tess, inaasahan nilang makakabawi sa Holiday Season, ngunit tila naapektuhan ang bentahan dahil sa sunud-sunod na kalamidad na tumama sa lungsod na naging dahilan upang maghigpit ng sinturon ang mga mamimili.
Facebook Comments