Fuel Discount Voucher, Ipapamahagi sa mga Magsasaka hanggang June 30, 2022

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ipamahagi hanggang June 30, 2022 ang Fuel Discount Voucher para sa mga magsasaka sa buong lambak ng Cagayan.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture Region 2 Executive Director Narciso Edillo sa programang Director’s Hour.

Ang mga makakatanggap ng fuel discount ay ang mga kabilang sa listahan ng Registry System for Basic Sector in Agriculture o RSBSA na kinabibilangan ng mga corn farmer na inilista ng Local Government Unit.

Batay sa datos, 16,000 indibidwal ang makakatanggap ng fuel discount voucher sa buong rehiyon, ito ay kabuuang 52 milyon pesos mula sa kabuuang pondo 500 milyon pesos.

Nagmula ang pondo sa General Appropriations Act bilang suporta sa mga magsasaka upang hindi sila mahirapan sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo.

Samantala, hinimok naman ni Edillo ang mga magsasaka na tiyakin na ang kanilang pananim na palay at mais mairehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC upang makakuha ng tulong sakaling dumating ang kalamidad at maapektuhan ang mga pananim.

Sa kabuuan, aabot sa 208,000 ektarya ng lupain na matatamnan ng mais ngayong crop season na nakapagtamin sa nasasakupan ng rehiyon dos.

Facebook Comments