Pagbibigay akreditasyon sa mga vlogger, prayoridad ng susunod na PCOO chief

73

Tututukan ng incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pag-accredit sa vloggers para makapag-cover ng press briefings sa Malakanyang.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Angeles na tinitingnan nila kung pwedeng maimbita ang vloggers sa mga press briefing ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Plano niyang magsagawa ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo na press briefing at madadagdagan pa ito kung kinakailangan o kung may mahahalagang anunsyo ang Palasyo.


Samantala, nais munang pag-aralan ng incoming PCOO chief ang existing guidelines pagdating sa physical coverage sa Malakanyang.

Sa ngayon kasi ay wala pang pinapayagang media na makapasok muli sa Palasyo para mag-cover ng mga aktibidad ng pangulo at hindi pa rin pinababalik sa press working area sa New Executive building.

Facebook Comments