Bahagi ang nasabing programa sa Distribution Caravan 2022 ng Department of Agriculture, Tanggapan ni Cong. Tonypet Albano, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at LGU Ilagan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Panglungsod Jayve Diaz, nasa kabuuang 271 na mga magsasaka na nagtatanim ng mais at mangingisda ang naging benepisyaryo.
Aniya, nagkakahalaga ng P3,000.00 ang fuel discount voucher na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng ATM Cards.
Pinangunahan ni Board Member EmEm Albano bilang representante ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Sangguniang Panglungsod Jayve Diaz bilang representante naman ng LGU Ilagan ang nabanggit na aktibidad.
Layunin ng nasabing tulong sa mga magsasaka at mangingisda na magamit ito sa kanilang paghahanap-buhay at mga gawain na may kaugnayan sa agrikultura.