HIGIT 15 MILYONG HALAGA NG MARIJUANA, NAKUMPISKA

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong maghatid ng iligal na droga sa Brgy Dupag, Tabuk City, Kalinga kaninang umaga, Setyembre 2, 2022.

Ang suspek ay 31-taong gulang at residente ng Tinglayan, Kalinga at kabilang sa High Value Target ng pulisya.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Tabuk City Police Station hinggil sa pagdadala ng puting L300 van na naglalaman ng marijuana na nagmula sa Tinglayan at patungong Tabuk City.

Agad naman silang nagsagawa ng checkpoint na nagresulta sa pagkakasamsam ng 126 na brick at apat na piraso ng tubular form dried marijuana na tumitimbang ng 130, 000 gramo na nagkakahalaga ng kabuuang 15.6 milyong piso.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments