Fuel excise tax sa ilalim ng TRAIN Law, pinapabawasan ng isang senador

Pinapabawasan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang excise tax sa langis na itinatakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Mungkahi ito ni Dela Rosa makaraang tanggihan ng mga economic manager ng bansa ang panawagan na suspendihin muna ang mga buwis sa langis at iginiit na malulugi o mawawalan ang pamahalaan ng P131 billion na kita na magdudulot ng pagbagal sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Paliwanag ni Dela Rosa, kung hindi kayang tanggalin ay ibaba na lang ang excise tax sa produktong petrolyo para kahit papaano ay maibsan ang epekto sa mamamayan ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.


Sa Ilalim ng TRAIN Law ay pinapatawan ng excise tax na P10 per liter ang gasolina, P6 per liter naman sa diesel, at P5 per liter sa kerosene.

Ayon kay Dela Rosa, sa ganitong paraan ay may koleksyon pa rin sa fuel excise tax ang gobyerno.

Facebook Comments