Davao de Oro, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao de Oro alas-10:14 Biyernes ng gabi.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa layong siyam na kilometro ng hilagang kanluran ng Bayan ng Monkayo town at may lalim na 18 km.

Naramdaman naman ang Intensity 4 sa Rosario, Agusan del Sur at Maco sa Davao de Oro habang Intensity 2 ang naitala sa Bayugan City, Agusan del Sur.


Instrumental Intensity 2 naman ang naramdaman sa Bislig City, Surigao del Sur at Instrumental Intensity 1 sa Davao City.

Dahil dito, asahan na ang mga aftershocks at mga pinsala matapos ang pagyanig.

Facebook Comments