FUEL MARKING PROGRAM | Programa laban sa oil smuggling, ilulunsad ng BOC

Manila, Philippines – Magpapatupad ang pamahalaan ng fuel marking program simula sa susunod na taon.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero – layunin ng programa na labanan ang oil smuggling sa bansa.

Ang BOC aniya ang lead agency na magpapatupad ng programa at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakabuo na ng Implementing Rules and Regulations (IRR) hinggil dito.


Binibigyan naman ng hanggang 30 araw para makapagpasa ng masterplan ang nanalong bidder – joint venture ng Switzerland-based SICPA at SGS Philippines Inc.

Magiging full swing ang fuel marking system kapag plantsado na ang IRR at ang masterplan.

Sakop ng fuel marking ang lahat ng petroleum products na refined, manufactured o imported na saklaw ng pagbabayad ng duties at tax.

Kabilang din sa imo-monitor ay ang mga locally-refined finished oil products para matiyak na tama ang ibinabayad na excise tax at Value Added Tax (VAT).

Facebook Comments