Fuel price unbundling ng DOE, nakatengga pa rin

Nakatengga pa rin ang utos na “fuel price unbundling” ng Department of Energy (DOE).

Ito ay dahil sa dalawang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng magkahiwalay na korte.

Ayon sa DOE – hanggang July 28 ang bisa ng TRO na nakuha ng Shell sa Taguig RTC.


Dismayado naman sa TRO si Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba.

Aniya – mas maiintindihan sana ng mga motorista ang galaw sa presyo ng langis kung naipatupad ang utos ng DOE kung saan obligado ang mga oil company na magsumite sa ahensya ng detalyadong cost computations ng petrolyo.

Samantala, ngayong araw ang ikalimang sunod na linggong nagpatupad ng ang mga kumpanya ng langis ng dagdag singil sa gasoline, pang-apat naman sa diesel sa kerosene.

Facebook Comments