Fuel subsidy, dapat direktang ibigay sa mga tsuper – LTOP

Inirerekomenda ng isang grupo ng transportasyon na ibigay ng direkta sa mga tsuper ang fuel subsidy na mula sa pamahalaan.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) National President Orlando Marquez, ito ay para tiyakin na sa jeep o ginagamit na sasakyan mapupunta ang ayuda at hindi sa sasakyan ng mga operator.

Matatandaang naglaan ng P1-B pondo ang gobyerno bilang ayuda sa mga apektado ng sunod-sunod na oil price hike kung saan inaasahang 178,000 PUV drivers ang magbebenepisyo sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.


Samantala, pinamamadali na ng grupong Laban Konsyumer ang pamahalaan sa pag-aksyon nito sa epekto ng oil price hike sa mga konsyumer.

Giit ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, sa halip na band-solutions, dapat long-term solutions ang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno kabilang ang muling pagsilip sa mga batas na may kinalaman sa buwis.

Facebook Comments