Fuel subsidy na naibigay sa mga PUJ drivers sa buong bansa, umabot na sa mahigit 600-M
Nasa Php 626,428,800 na subsidiya sa ilalim ng Fuel Subsidy Program ang naipagkaloob na sa 87,004 na Public Utility Jeepney (PUJ) drivers sa bansa.
Ito ay 62% ng kabuuang pondo na fuel subsidy na nakalaan sa mga beneficiaries.
Sa ilalim ng Fuel Subsidy Program, bawat PUJ franchise grantees ay makatatanggap ng P7,200 na subsidiya sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program (PPP) card.
Para sa mga wala pang PPP cards, kasalukuyang ginagawa ng Landbank of the Philippines ang mga naturang cards.
Hinihikayat ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga benepisaryo na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional office para makita ang schedule kung kailan maaaring makuha ang kanilang PPP card sa LBP.
Ang Fuel Subsidy Program ay bahagi ng ayuda (LTFRB) sa transport sector na labis na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.