
Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ang fuel subsidy ng mga driver at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Iyan ang kinumpirma ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa pulong balitaan ngayong umaga.
Ayon kay Lopez, sa oras na makuha na nila ang Notice of Cash Allocation o NCA ay sisimulan na nila ang roll-out ng subsidiya.
Dagdag pa Lopez, bahagyang handa na ang kanilang kagawaran at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamahagi ng ayuda.
Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II na kanila pang pinag-aaralan ang benchmarks na magiging batayan nila sa pagbibigay ng ayuda.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang LTFRB sa mga Electronic Money Issuers (EMIs) para sa digital distribution ng fuel subsidy.










