Malabo pang maibigay ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay DA Secretary William Dar, nais na niyang ibigay ang fuel subsidy sa mga ito ngunit may trigger mechanism na nakapaloob dito bago ito ibigay.
Aniya, dapat munang mapaabot sa 80 dollars per barrel ang presyo ng gasolina.
Sa kasalukuyan kasi ay hindi pa umaabot sa halaga ang presyuhan at malayo pa ito sa ganitong presyo kung kaya’t hindi pa maibabahagi ng DA ang fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.
Ang fuel subsidy ay isang paraan ng pamahalan na tulungan ang magsasaka at mangingisda na apektado ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, ipinaliwanag din ng DA na bahagyang bumaba ang supply ng asukal dahil sa Bagyong Odette kung kaya’t kailangang mag-import ng asukal upang mapunan ang posibilidad na magkulang ng isang buwan ang supply ng asukal sa bansa.