DOH, nakapagtala ng higit 2,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

56

Nakapagtala ng 2,232 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 2,196 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,648, 925 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 66,796 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 3,010 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 527,720 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 55,409 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 79 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 16 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments