Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng langis at gasolina, patuloy ding naaapektuhan ang mga tsuper at operators sa buong Pilipinas kung saan nito lamang Lunes ika-13 ng Setyembre nagsimula na sa pamamahagi ang LTFRB sa Metro Manila.
Ayon sa datos ng ahensya, nasa 1.36-milyon ang bilang ng mga tsuper at operators sa bansa kung saan dito sa Ilocos Region nasa walong libong tsuper ang kabilang.
Matapos mamahagi ang LTFRB sa ibang lugar possible namang mamahagi ng subsidiya ang ahensya sa susunod na linggo.
Ayon kay Annabel Nullar, acting Director ng LTFRB R1, hinihintay pa ang abiso na magmumula sa central office kung Kailan mamamahagi sa rehiyon.
Dagdag pa nito na nakahanda na ang mga requirements anumang oras.
Nanawagan naman ang mga driver sa Rehiyon partikular na sa Dagupan City na sana bilisan na ang pamamahagi nang sa ganoon ay magamit na nila ito. |ifmnews
Facebook Comments