TATLO KATAO SA BUGALLON SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG SUV NA MINAMANEHO NG ISANG SUDANESE NATIONAL

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo katao matapos mabangga ng isang SUV na minamaneho ng isang Sudanese National ang kanilang sinasakyang tricycle sa bayan ng Bugallon.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Marlo Garero driver ng tricycle at mga sakay nito na sina Carla Sison at Epifania Delos Santos mga residente ng Brgy. Magtaking sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang aksidente pasado alas onse ng tanghali ng liliko na sana ang tricycle sa nasabing lugar ng ito ay aksidenteng mabangga ng sumusunod dito na SUV na minamaneho ng Isang Sudanese National na nakilalang si Masin Mahgoubi Osman.

Bunsod nito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang nasa kustodiya na ng PNP ang nasabing dayuhan. |ifmnews
Facebook Comments