Fuel subsidy sa agricultural sector, dadagdagan ng DBM ng ₱600 million

Magkakaroon pa ng ikalawang bugso ng paglalabas ng pondo para sa fuel subsidy ang agricultural sector.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na bukod sa naunang ₱500 million na fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda ay magdadagdag pa ang gobyerno ng ₱600 million.

Layunin dito na mabigyan ng targeted assistance ang mga apektadong sektor ng agrikultura at maibsan ang impact sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ng tumataas na presyo ng langis.


Partikular na bibigyan ng fuel subsidy ang mga magsasakang gumagamit ng makina para sa production at post harvest operation gayundin ang mga mangingisdang gumagamit ng motorized banca.

Iniulat naman ni DBM Asec. Cristina Clasara na maliban sa naunang ₱500 million na fuel subsidy para sa agri sector ay pirmado na rin ni Budget Officer-in-Charge Tina Rose Marie Canda ang ₱7 billion na service contracting program para matulungan naman ang mga apektadong PUV drivers at commuters.

Facebook Comments