Duque, umapela ng tulong sa LGUs upang maabot ang 90-M Pilipino na target na mabakunahan kontra COVID-19

Umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa mga Local Government Unit (LGU) na tulungan ang pamahalaan na maabot ang target na mabakunahan ang 90 million Pilipino bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Duque, malaki ang gampanin ng LGU upang mabakunahan ang mayorya ng Pilipino.

Malaking hamon rin aniya sa mga LGU na himuking magpabakuna ang kanilang mga residente na nasa A2 category o mga senior citizen kung kaya’t dapat ay magsagawa nang house-to-house vaccination ang LGU para sa naturang kategorya.


Samantala, sinabi naman ni National Task Force (NTF) for COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa publiko na maging maingat pa rin kahit na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments