Epektibo na sa July 4 ang utos ng Department of Energy (DOE) na paghimay sa presyuhan ng petrolyo o fuel unbundling.
Sa ilalim nito, obligado ang mga kumpanya ng langis na isumite sa DOE ang presyo ng imported na petrolyo, freight cost, insurance at foreign exchange rate.
Gayundin ang lahat ng buwis at halaga ng bio fuels.
Pero ayon sa mga sources sa industriya, hihirit ng temporary restraining order (TRO) sa korte ang mga oil company para ipatigil ang utos ng DOE.
Labag daw kasi ito sa oil regulation law at may mga impormasyong hindi pwedeng malaman ng kanilang kompetisyon.
Paglilinaw ng DOE – hindi naman nila isasapubliko ang isusumiteng datos ng mga kumpanya ng langis.
Facebook Comments