FULL ALERT STATUS, ITINAAS NG KAPULISAN SA BAYAN NG GAMU

CAUAYAN CITY- Sanib pwersa ang buong kapulisan ng Gamu sa pagbabantay at pagbibigay seguridad sa mga dadalo at makikipista sa kanilang bayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Chief of Police PCapt. Louie Jay Felipe, dalawang araw ang kanilang full-alert status mula ika-21 hanggang 22 ng Agosto dahil ito ang pinaka-highlight ng kanilang pista.

Aniya, nasa tatlumpu’t-walong kapulisan ang naka-deploy sa iba’t-ibang bahagi ng lugar upang masiguro na ligtas at maayos ang pagdiriwang.


Bukod sa kapulisan ay katuwang din nila ang POSU at Barangay Tanod kung saan sa kabuuan ay nasa limampung indibidwal ang magbabantay sa lugar.

Samantala, pinapaalalahanan naman ni Chief of Police PCapt. Felipe ang mga makikipista sa kanilang bayan na mag-doble ingat upang hindi mabiktima ng kawatan gayundin ang pag-doble ingat sa pagmamaneho.

Facebook Comments