Nakataas na sa full alert status ang Quezon City Police District para sa pag-gunita ng undas bukas.
Ayon kay QCPD Director, Police Colonel Ronnie Montejo, mag-dedeploy ang QCPD ng 2,444 uniformed at plain clothes policemen sa anim na sementeryo, 20 columbarium kabilang ang mga bus terminals at iba pang vital installations sa Quezon City.
May mga ilalagay ding mga Police Assistance Hubs ang QCPD malapit sa mga sementeryo at columbarium.
Inaasahan na rin ng pulisya ang deployment ng mahigit 2,952 force multipliers na binubuo ng medical, fire at rescue volunteers, mga tauhan ng MMDA, DPOS, at iba pang Non-Government Organizations.
Pinayuhan din ni PCOL Montejo ang publiko na huwag nang magdala ng mga ipinag-babawal na gamit sa loob ng sementeryo.
Dapat tiyakin din ng mga residente na secured o naka locked ang pintuan ng kanilang bahay bago umalis o di kaya ay maglagay ng mga burglar alarms at closed circuit televisions laban sa mga mag-nanakaw.