Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘full-capacity’ sa mga campaign venues sa mga lugar na nasa Alert Level 1 habang 70% naman sa Alert Level 2.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, binago nila ang regulasyon sa pangangampanya upang makasunod sa lumuluwag na restrictions sa pandemya na ipinatutupad ng pamahalaan.
Bukod dito ay inalis na rin ng COMELEC ang ‘mandatory’ na pagsusuot ng face shield sa mga event habang nananatili pa rin ang pagsusuot ng face masks, physical distancing at pagbabawal sa physical contact.
Samantala, maaari na ring magsagawa ng aktibidad ang mga kandidato kahit na walang sertipikasyon mula sa COMELEC ngunit kailangan pa rin na kumuha ng permit at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na sakop ng lugar.