Pormal ng magsisimula ngayong araw ng March 1, 2022 ang pagsasailalim sa Pangasinan sa Alert Level 1 kung saan maaaring na ang full capacity ng mga lugar.
Kabilang sa mga pinapayagan sa full capacity sa ilalim ng Alert Level 1 ay ang Venues para sa meetings, social event; Licensure or entrance exams; Karaoke bars, indoor entertainment; Amusement parks, recreational venues; Gatherings na kahit hindi kasama sa bahay; In-person religious gatherings; Restaurant, Food prep services; Cockfighting, casinos, horse racing; Gyms, personal care services; Cinemas, film production.
Kabilang din sa maaaring isagawa sa mas maluwag na quarantine restrictions ay ang Face-to-face classes mula Basic education hanggang higher education.
Samantala, pinapayuhan naman ng health authorities ang publiko na patuloy na sundin ang mga minimum public health standards – pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing uubo o babahing at physical distancing. | ifmnews