Full council meeting, isinagawa ng NDRRMC

Nagsagawa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng full council meeting.

Pinangunahan ito ni NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., kung saan present din ang mga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kasama sa mga napag-usapan ang measles situation ng bansa, adoption ng National Disaster Response Plan 2024 at early warning system protocols para sa baha at landslide.


Nasa pulong din kahapon si Health Secretary Ted Herbosa na umapela ng suporta sa council para sa mobilization ng bakuna at logistical resources lalo na sa BARMM Region.

Habang binigyang diin naman ng Department of Social Welfare and Development ang implementasyon ng National Disaster Response Plan 2024 na layong mabilis na mahatiran ng tulong ang mga maapektuhang komunidad.

Samantala, sinabi naman ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau na palalakasin nila ang kanilang early warning system protocols para sa baha at landslide upang magkaroon ng streamline ng data collection at mas mapaigting ang hazard information dissemination.

Maliban dito, natalakay rin ang iba’t ibang inisyatiba na ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa kalamidad na tumatama sa bansa.

Facebook Comments