Full debate sa Kamara, tiniyak ni Rep. Cayetano

Nagpulong kagabi ang tatlong mambabatas na nagnanais maging house speaker.

Sa PDP-Laban meeting, nagsama sina Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez.

Si Velasco ay PDP-Laban member, si Cayetano ay miyembro naman ng Nacionalista Party habang si Romualdez ay sa Lakad-CMD.


Dito ay tiniyak ni Cayetano na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay magkakaroon ng full debate sa iba’t-ibang isyu na makakaapekto sa welfare ng mga Pilipino.

Dapat magkaroon ng ground rules upang manatili ang tiwala ng publiko sa Kamara.

Matatandaang pinili ng Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang house speaker sa loob ng 15 buwan habang hahalili sa kanya si Velasco sa natitirang 21 buwan ng 18th Congress.

Facebook Comments