Full disclosure sa mga proyekto ng gobyerno, tiniyak ni PBBM para matuldukan ang korapsyon

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang itatagong impormasyon sa mga proyekto ng gobyerno kasunod ng mga kontrobersiya sa flood control projects.

Ayon sa Pangulo, iginiit ng niya na ang ugat ng problema ay ang kawalan ng transparency kaya lumalakas ang anomalya.

Dahil dito, inilunsad ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency Portal, para ilantad sa publiko ang lahat ng detalye tulad ng budget, contractor, procurement records, listahan ng bidders, geotag locations, photo updates, at maging satellite images.

Layon ng portal na pigilan ang anumang pagtatangkang magtago ng anomalya sa likod ng teknikalidad at papel at para maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Bukod sa DPWH, may transparency portals na rin ang SSS at PhilHealth na bukas at pwedeng i-download ng sinumang nais sumuri.

Facebook Comments