Full face-to-face classes, posible pa rin depende sa COVID-19 situation – CHED

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na ang pagsasagawa ng full face-to-face classes ay nananatiling posibilidad depende sa public health situation sa bansa.

Magugunitang umani ng batikos ang tanggapan dahil sa pagpapatupad ng flexbile learning bilang “norm” sa higher education level.

Ayon kay CHED Chairperson J. Prospero De Vera, wala siyang binitawang pahayag na imposible ang face-to-face classes.


Aniya, ang in-person learning ay magpapatuloy kung bumuti ang COVID-19 situation sa bansa.

Kapag naabot ang herd immunity o nabakunahan ang 70-porsyento ng populasyon ay papayagan na nila ang mga higher education institutions (HEIs) na unti-unting makabalik ang mga estudyante.

May mga programa na kailangan pa rin ng face-to-face learning tulad sa medical at allied health programs.

Mula nitong Enero, nasa 64 HEIsang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Facebook Comments