DSWD, pinag-iingat ang publiko sa mga pekeng text at FB post patungkol sa 4Ps payout

50

Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag magpapalinlang sa mga naglipanang pekeng text messages at social media post patungkol sa schedule ng payout ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Bukod sa payout schedule, kumakalat din ang listahan ng mga benepisyaryong makakatanggap ng cash grants.


Babala ng DSWD sa higit 4.3 million household beneficiaries nito na huwag magpapaniwala sa mga sa mga text at Facebook post na nagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa programa.

Maaaring magtanong ang mga 4Ps beneficiaries sa kanilang City/Municipal Links o sa kanilang Parent Leaders.

Pwede rin silang magtungo sa official Facebook page ng DSWD.

Facebook Comments