Full implementation ng ‘No Vax, No Ride-No Entry’ Policy sa pampublikong transportasyon sa NCR, magsisimula sa Lunes ayon DOTr

Simula sa Lunes, January 17, pagbabawalan nang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga unvaccinated individual.

Ito’y matapos na magpalabas ng kautusan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade para sa full implementation ng ‘No Vax, No Ride-No Entry’ Policy sa mga pampublikong transportasyon.

Sa ilalim ng Department Order (DO), mananatili ang implemetasyon ng “No vaccine, No ride” Policy hanggang nanatili sa COVID-19 Alert Level 3 o sakaling mas itaas ang alert level sa National Capital Region o NCR dahil sa mabilis na pagsipa ng kaso ng COVID-19.


Exempted dito ang mga sumusunod:

• Indibidwal na mayroong medical conditions kaya hindi maaring mabakunahan

• Indibidwal na bibili ng mga essential good gaya ng gamot o medical device basta’t makapagpakita ng barangay health pass

Sa ilalim din ng DO, sinumang lalabag sa panuntunan ay ituturing na paglabag sa general safety at health provisions na kalimitang nakapaloob sa permits to operate ng mga public transportation.

Facebook Comments