185 NA SABUNGERO, ARESTADO SA ILLEGAL NA SABUNGAN SA BAYAN NG STA. MARIA, PANGASINAN

166
Nabisto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Urdaneta at Sta. Maria Police ang iligal na sabungan sa Bgry. San Patricio, Santa Maria, Pangasinan.
Naaresto sa anti-illegal gambling operation ang 185 na katao matapos maaktuhan sa paglalaro ng sabong.

Nakumpiska ang 18 mga manok na panabong, 60 tari at pusta na nagkakahalagang P102, 500.00.

Ang mga nahuli kasama na ang mga ebidensya ay nasa kustodiya na ng CIDG Pangasinan para sa wastong disposisyon.| ifmnews


Facebook Comments