Full rollout ng pediatric vaccination sa buong bansa, ilalarga na sa November 3!

Sisimulan na ng pamahalaan sa November 3 ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Galvez na simula November 3, babakunahan na rin maging ang mga kabataang walang comorbidity.


Aniya, nasa 40 hanggang 50 ospital sa iba’t ibang rehiyon ang gagamitin para sa mga pagbabakuna ng mga bata.

Aminado naman si Galvez na malaki na ang epekto ng pandemya sa edukasyon at mental development ng mga kabataan.

Nais na rin nila na makabalik sa eskwela ang mga kabataan, makapaglaro at makapamasyal.

Kaugnay nito, sisikapin ng pamahalaan na matapos ang pagbabakuna sa 12.7 million na mga kabataang edad 12 hanggang 17 sa Disyembre.

Facebook Comments