Mga Pinoy sa Iran, hinimok ng Philippine Embassy na tumalima sa hiling ng DOH na magpabakuna muna bago umuwi ng bansa

Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Iran at probinsya nitong Tehran ang mga Pilipino na magpabakuna muna bago umuwi ng Pilipinas.

Sakop ng abiso ng embahada ang mga Pinoy sa Turkmenistan at Uzbekistan.

Ito ay sa harap ng inaasahang pag-uwi ng maraming Pinoy balikbayan ngayong holiday season.


Una nang hinimok ng Departmentt of Health (DOH) ang Returning Overseas Filipinos (ROF) na magpabakuna muna bago umuwi ng Pilipinas.

Layon nito na hindi makadagdag pa sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments