Full-scale Crash & Rescue Exercise, isasagawa ngayong araw sa NAIA

Manila, Philippines – Magsasagawa ng full-scale Crash & Rescue Exercise (CREX) ang Mabila International Airport Authority ngayong araw.

Ang nasabing pagsasanay ay isang rekesitos sa ilalim ng International Civil Aviation Organization – Standards and Recommended Practices (ICAO-SARPS) upang matiyak ang kahandaan saka-sakaling magkaroon ng aircraft accidents sa mga paliparan.

Lalahukan ang drill ng mga kinatawan ng Airline Operators Council at mga opisyal ng DOTr.


Tatayo naman bilang secondary responders ang mga major hospitals and fire departments sa kalapit na LGUs.

Facebook Comments