Nalampasan na ng Bureau of Customs (BOC) ang full-year revenue goal nito sa pagkolekta ng taripa sa bigas sa unang pitong buwan ng 2020.
Ayon sa ulat, umabot na sa 10.728 bilyong piso ang rice tariff collection para sa Enero hanggang Hulyo 17, kung saan 10 bilyong piso naman ang taunang target ng Customs sa rice tariff collection para sa remittance sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Patuloy naman ang close monitoring sa idineklarang halaga sa rice importations bilang pagsunod sa global published prices sa bigas.
Facebook Comments