Fully vaccinated individuals na tinatamaan pa rin ng COVID-19, kakaunti lamang – DOH

Ilang Pilipino pa rin ang nagpositibo sa COVID-19 kahit naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kakaunti lamang ang mga ganitong kaso.

Tumanggi muna si Vergeire na magbigay ng dagdag na impormasyon habang nakabinbin ang verification sa mga nasabing kaso.


Inaalam pa sa mga indibiduwal kung ilang araw matapos silang maturukan ng second doses nang
magpositibo sila sa COVID-19.

Muling iginiit ni Vergeire na epektibo ang mga bakuna.

Batay sa United States Center for Disease Control, ang mga tao ay ikinokonsiderang fully vaccinated dalawang linggo pagkatapos ng kanilang matanggap ang second dose.

Facebook Comments