Fully vaccinated na returning residents, makapapasok na ng Ilocos Sur sa Disyembre 1

81

Simula December 1 ay malaya nang makakapasok ng Ilocos Sur ang mga fully vaccinated na returning residents.

Ito ang naging anunsyo ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson kahapon kung saan hindi na nila hahanapan ng negatibong resulta ng COVID-19 test at wala na ring quarantine protocols basta fully vaccinated.

Ang tanging gagawin lang ay ipakita nila ang kanilang vaccination card para malaman kung fully vaccinated o hindi.


Sa mga first dose pa lang ang natatanggap na bakuna, kailangang sumailalim sila ng 14-day quarantine at antigen test.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ang guidelines na ilalabas ng provincial government ng Ilocos Sur para rito bago mag-December 1.

Facebook Comments