PNP, naghahanda na para sa ikakasang face-to-face classes sa ilang paaralan sa Metro Manila

88

Pinaghahanda na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos ang lahat ng police commanders na maghanda sa isasagawang face-to-face classes sa Metro Manila.

Ito ay makaraang bigyan ng go-signal ng Department of Education ang ilang paaralan na magsagawa ng face-to-face classes.

Hinihintay na lamang ng pambansang pulisya ang pinal na listahan ng mga eskwelahang lalahok sa face-to-face classes upang mapagplanuhan na ang deployment sa mga pulis.


Nilinaw naman ni General Carlos na walang armas na masasangkot sa pagbabantay sa mga silid-aralan.

Facebook Comments