Fully vaccinated OFWs, maaari nang pumasok sa Hong kong mula ngayong araw

Epektibo ngayong araw, maaari na muling pumasok sa Hong Kong ang fully vaccinated na Filipino household service workers.

Ayon sa Philippine consulate sa Hong kong, ang kailangan lamang ipakita ng Pinoy worker ay ang kanilang visa at yellow card o international card of vaccination na magmumula sa Philippine Bureau of Quarantine (BOQ).

Kailangan ding magpakita ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ng negative result ng RT-PCR test.


Gayundin kailangan ng confirmation ng room reservation sa Hong Kong Government designated quarantine hotel facility.

Facebook Comments